一PAGKAKAISA = KAPAYAPAAN一
NANINIWALA KA BA DITO?
Para kay confucius, isang pilosopong tsino na nagbigay diin sa pag relasyon ng isa't isa, maibabalik ang maayos na pamahalaan ng china sa pamamagitan ng pagkakasundo at pagkakaisa ng mga tao.kasalungat naman ito ng pilosopiya ng mga legalista.
PILOSOPIYA NG MGA LEGALISTA~
Ang mga legalista naman, ay may paniniwalang konta sa pilosopiya ni confucius.Sila ay naniniwala sa makapangyarihang pamahalaaan at ang tanging paraang upang maibalik ang kapayapaan ng china ay sa pamamagitan ng mahigpit na batas.Sina Hanfei Zi at Li Si ay ilan lamang sa mga nagtatag ng legalismo sa panahong ito.
NAKABUTI O NAKASAMA?
Sa katunayan, makikita natin ang mga kahigpitan at kalupitan ni Shih huang Ti sa kanyang pamamahala.Ngunit bukod sa kanyang mga pamamaraan, masasabi nating sya ay isang determinado at hindi makasariling pinuno.Ginamit nya rin ang kanyang kapangyarihan upang mapaunlad ang kanyang mga nasasakupan at protektahan ang mga ito.
Si Liu Pang ang nagtatag nitong dinastiyang ito at umayon sa pamamahala ng mga ch'in. Maigagaya rin natin siya kay shih huang ti na isang mabuti at mahusay na pinuno.Gumawa siya ng mga bagay upang mapalapit ang loob ng kanyang mga nasasakupan sa kanya sa pamamagitan ng pagpapagaan ng kaparusahan sa mga nagkasala,pagpapaunlad at lalong paglilinang ng agrikultura.
Ang sinaunang india ay binuo ng watak watak na mga kaharian.Noong 326 B.C.E. sinakop ni Alexander The Great ang hilagang kanluran ng ilog lambak ng indus sa ilalim ng pangalan ng mga greek.At sa panahong ito, kaaagad na itinatag ni Chandragupta sa lupain ang Dinastiyang Maurya.
UNANG DINASTIYANG UMAYON SA KAISIPAN NG MGA LEGALISTA?
Ang dinastiyang Ch'in na pinamunuan ni Shih Huang Ti matapos nyang maitalaga ang sarili niya bilang emperador ng china.siya ay natatag ng pamahalaang tinawag na awtokrasya na umaayon lamang sa kanyang mga ginagawang batas.NAKABUTI O NAKASAMA?
DINASTIYANG HAN
Kung ang mga Ch'in ay umayon sa mga legalista, ang mga Han naman ay nagmana sa kaisipang sinocentrism na nangangahulugang sentro ng daigdig.Si Liu Pang ang nagtatag nitong dinastiyang ito at umayon sa pamamahala ng mga ch'in. Maigagaya rin natin siya kay shih huang ti na isang mabuti at mahusay na pinuno.Gumawa siya ng mga bagay upang mapalapit ang loob ng kanyang mga nasasakupan sa kanya sa pamamagitan ng pagpapagaan ng kaparusahan sa mga nagkasala,pagpapaunlad at lalong paglilinang ng agrikultura.
Sino si Wu-ti?
Siya ay walang iba kundi ang anak ng pinuno ng Dinastiyang Han na si Liu Pang.Ipinagpatuloy nya ang maayos na pamamahala katulad ng kanyang ama.At sa galing niya sa pakikihamok, tinawag siyang martial emperor
Dinastiyang Yuan
Ang itinatag ni Genghis Khan kasama ang kayang mga anak.Si Kublai Khan naman na apo niya ay ang kinilalang muling nag isa sa China.Bilang emperador ng China, dalwang beses nyang tinangkang sakupin ang bansang japan upang mapalawak ang kanilang teritoryo.Ngunit nagkakataon na sa tuwing sila ay mananakop, may bagyo sa bansa ng Japan na sumira sa mga bapor ng China.Nangyari itong dalwang beses at tinawag na mga hapon na "divine wind" o kamikaze dahil naniniwala silang ito ang pumoprotekta sa kanila.
Masasabing napag isa nya muli ang china dahil sa husay niya sa pamumuno. pinalitan nya ang mga opisyales sa kanyang korte ng mga mongol at iba pang dayuhan dahil sa paniniwalang ang mga lumang opisyal ang dahilan ng paghina at pagbagsak ng mga nakaraang imperyo.Isa na sa mga opisyal na europeong naging bahagi ng korte ni Kublai Khan ay si Marco Polo.
IMPERYONG MAURYA SA INDIA
Ang sinaunang india ay binuo ng watak watak na mga kaharian.Noong 326 B.C.E. sinakop ni Alexander The Great ang hilagang kanluran ng ilog lambak ng indus sa ilalim ng pangalan ng mga greek.At sa panahong ito, kaaagad na itinatag ni Chandragupta sa lupain ang Dinastiyang Maurya.
KALAGAYAN NG HILAGANG INDIA?
Ito Napaunlad ni Chandragupta. Nagpatupad siya ng sentralisadong pamahalaan dito.hinati hati niya nya ang mga imperyo, maingat na namili ng mga opisyal para dito,pinalakas ang hukbo, At pina ginhawa ang buhay ng mga nasasakupan sa pamamagitan ng Pagpapaayos ng irigasyon, ng lansangan, at sistema ng katarungan.
301 B.C.E.
Pinalitan si Chandagupta ng kanyang anak at namuno ng 32 taon.Di naglaon ay si Asoka, ang kanyang apo naman ang namuno.
SI ASOKA
Dahil sa paniniwalang ang kapangyarihan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pakikihamok,isinagawa agad ni Asoka ang pananakop sa kaharian ng Kalinga sa silangang bahagi ng India.Naging madugo ito at labis ding pinagsisihan ni Asoka kaya naisipan nyangg magbalik loob ng kabutihan. Siya ay namuno sa tulong ng mga aral ng buddhismo at itinakwil ang pakikidigma.
tulad ng mga nakaraang pinuno ng china na nabanggit, si asoka ay isa ring responsable at mahusay na pinuno.ang kanyang pamumuno ay nagdala ng kaunlaran sa kanyang mga nasasakupan.Marami siyang mga ginawa para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
ngunit sa kabila ng kanyang mga nagawang pagbabago,unti unti ring bumagsak ang maurya hanggang sa sakupin ito ng mga gupta.
ANG IMPERYONG GUPTA
Ito ay itinatag ni Chandra Gupta I na namuno sa ilalim.Sya ay naging mapagparaya sa kahit anong relihiyon kahit na siya ay hindu.Ang panahon ng mga gupta ay tinaguriang "Ginintuang panahon ng buddhismo". Sa panahong ito muling sumibol ang ang kulturang indian at nabuo ang hubog ng sining nila.MGA RAJPUT
Noong bumagsak ang imperyong gupta,sinakop ng mga barbarong hun ang hilagang bahagi ng india.Muling nagkagulo at nagkawatak watak ang mga indian hanggang sa dumating ang mga rajputs.
PANAHON NG MGA RAJPUT
Ayon sa mga historyador,natamo ng mga indian ang kasaganaan.napatunayan din na ang mga rajput ang nagpalaganap ng literasiya sa India.Sila rin ang nagbigay daan tungo sa pag unlad ng sistema ng kalakalan dito.Sila ang naging tagapagtanggol ng india sa pagsalakay ng mga muslim.
IMPERYO NG MGA MUGHAL
Ang pananakop ng mga muslim ay naganap ng dalawang ulit.matapos ang una nilang pananakop, nagtatag ang mga rajput ng kani kanilang mga kaharian.ang ikadalawang pananakop, naman ay pinamunuan ni Babur, isang muslim na nagmula sa gitnang asya.
taong 1526-1556
Itinatag ni Babur kilala rin bilang the tiger,ang imperyo ng mughal at sinimulang ipalaganap ang islam sa india.taong 1556-1605
natamo ng imperyong mughal ang "ginintuang panahon" sa ilalim ng pamumuno ni Akbar. Naging mapagpaubaya siya sa anumang relihiyon at ipinamahagi ang mga lupain sa kanyang mga opisyal sa kondisyong maibabalik ito lahat kapag siya ay namatay para maipamahagi sa iba pang nangangailangan.taong 1605-1627
sa pamumuno ni jahangir ang tinaguriang "grasper of the world" Ang imperyo ay pinamunuan ng kanyang asawa na si Nur Jahan at walang ibang relihiyon na pinanatili sa lupain kundi Islam.taong 1627-1658
pamumuno naman ng anak ni jahangir na si Shah Jahan nakatuon lamang ang kanyang hilig sa pagpapagawa ng mga palasyo at sa kanyang magandang asawa na si Muntaz Mahal.Nagpatayo rin siya ng Taj Mahal bilang libingan ng kanyang asawang namatay at peacock throne na may mga mamahaling bato.taong 1658-1707
pamumuno ni Aurangzeb.Naging mahigpit siyang pinuno,ipinagbawal ang masasamang bisyo at ipinatupad ang batas islamic.Naging mahigpit ang mga tao niya sa mga hindu na naging sanhi ng pagbagsak at paghina ng mughal.NGAYON,BALIKAN NATIN ANG PANIMULANG TANONG,
PAGKAKAISA=KAPAYAPAAN, Naniniwala ka ba dito?
ang kasagutan dito base sa aming natutunan ay oo.kung magkakaisa lahat at maayos ang relasyon sa isa't isa,kapag namumuno at pinamumunuan ay nagkakaisa sa kabutihan, madaling mapapabuti,mapapaayos at mapapaunlad ang sitwasyon nila.base sa mga tinalakay na mga imperyo at dinastiya sa ikawalong aralin sa araling panlipunan, ang mga ito ay napapag isa at nagiging payapa dahil maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa.
Comments
Post a Comment